Huwebes, Setyembre 12, 2013

NILALANGAW NA PINGGAN



Tugtog ng kampana sa aking tiyan
Bakit tila hindi ko kayang pigilan?
Oo nga pala’t ako’y wala ng lakas
Lupaypay sa mesa hanggang bukas. 

Gaano ba kadalas aking marinig
Labanan ng kubyertos sa dahon ng saging. 
Itong puso’y nadudurog, naaawa, nahahabag
Na kahit munting langaw’y pinagtitiyagaan
Ang pinggan kong salat sa laman.

TULA NG ISANG LAPASTANGAN ni Jomer Jay D. Salvadico



Sa mga nakapapasong matang bumaling ng paningin
Sa aming mga punong patpatin at may dungis sa pisngi
Humanda’t ito ang aming pakiwari
Na kahit putik ay may halaga at nag-iisip pa rin.

Panawagan sa mga itaas ng tatsulok ng lipunan
Magsasalita kaming naiipit sa ilalim ng kahirapan.
Hindi lamang kayo ang mayroon ng isang mentalang makapangyarihan
Na maging kami’y makasisigurong susugat sa inyong dungan.

Lumang tugtugin na raw ang mga mahihirap
Nagiging mahirap umano upang kaawaan.
Lumang tugtugin na rin daw ang mga timawa
Timawang pinipigilan sa kanyang pag-angat. 

Ito’ng ganti: Bagong musika ba ang mga mayayaman
Nakakakain ng sapat at lasap ang kaginhawaan?
Bago pa ba ang mga mapang-aping nasa upuan
Na sila’y dapat galangin at mas pahalagahan?

“Pasalamat kayo’t may tiyaga kaming kayo’y alagaan,”
Ani isang mayabang may yaman
“Binibigyan naming kayo ng trabaho kaya aming tangan
Inyong kinabukasan na aming tinutustusan!”

Aking tanong, “Aruga bang maituturing ang mapa-insultong salita?
Na kung sila’y maagrabyado’y dapat na katakutan?
Na dapat kaming nasa ibaba ay manatiling mababa?
Na patuloy na maglingkod hanggang sa pagkatuyo ng baga?”

Aba’t tatandaan ang isang simpleng aral
May matayog bang niyog na walang mga ugat?
Mga ugat na nagpapakahirap na sumispsip at sumadsad sa lupa?
Kaya ito’ng ganti, “Yayaman ka ba kung walang mga nilalang na salat sa bulawan?”

Nakakat’wang putik daw ay walang halaga sa bayan.
Dumi’t kalat lamang at dapat lupilin sa daan. 
Paano kayo magkakaroon ng isang maginhawang kalsada
Kung inyong kadidirian ang siyang putik at lupang hinihigaan ng aspaltong niyong daanan?

T’wing halalan kaming sadlak sa hirap magiliw na nililigawan
Ng mga pulitikong mayamang nagpapakasasa pang yumaman.
Ano bang mayro’n sa aming inuutong simpatiya?
Na inyo rin naman itatapon matapos maluklok sa upuan
At ang simulang pinangako’y wala rin palang katapusan?

“Mayaman kami, mahirap ka lamang!” sigaw ng isang gahaman.
“Mas mahalaga kami at may kinang sa mata ng batas!”
Ito naman ang ganti, “Mayaman ka lang, mahirap kami!”
“Ang matiyagang nagbubungkal ng bulawan sa kabundukan
Na siyang materyal ng inyong perang bumubulag sa mga abugadong pantas!”

Ditto ko tatapusin ang aking salita
Sa huling dalawang taludtod ng lapastangang tula.
Ilang sugat, amo kong mayaman na dinadakila?
Kung wala’y nasa’n at tila nilulumot mong konsensiya?

Pakakatandaan, ang mundo’y bilog!
Hindi gaya ng sistema niyong tatsulok!
Kung ngayo’y ika’y may ginto at kami’y mabahong indio
Katakutan at sa susunod kami naman ang may kapangyarihang
Maglilinis ng inyong umaalingasaw na laman!

***
Para po sa lahat. :D.  This poem is to be published on NIPSC Official School magazine "Ang Bituin"

Truth behind Social Networking Sites (First Part)

FACEBOOK

Ito ang mga katotohanang hindi dapat i-deny while using facebook. :D  This the truth.
  1. Gumagawa ka ng FB account para magkaroon ka. (Obvious naman :D)
  2. Kapag maraming likes ang profile picture mo, feeling mo gumaganda ka o kaya gumagwapo (Halata naman.)
  3. Kung lalaki ka, accept mo agad friend request sa beautiful girls. (Don’t deny it.)
  4. Kapag maganda ang picture, share agad. (Siyempre para hakot comments.)
  5. Kapag nakita si Jesus Christ (pic. lang) like agad. Masunurin eh, “Like if You Don’t Ignore HIM” pero deep inside you forget HIM.
  6. Like sa status na mahaba na hindi naman binabasa. (Tamad ka minsang magbasa.)
  7. Message mo ang iba “kamusta” na hindi mo naman kilala. (Start of conversation.)
  8. Daming mutual friends pero ‘di mo alam kung sino talaga sila. (Mutual in internet, not in personal life.)
  9. Update status – umaasa ng may mag-like. (Totoo naman ‘di ba?)
  10. Mahilig mag-share kahit walang kabuluhan.

 


Miyerkules, Setyembre 11, 2013

Ngayon ko Sisimulan!

Sino ako?

Hindi ko ginawa ang blog na ito para i-promote 'yung sarili ko (sa madaling salita, sariling puri).  'Di ba mas maganda kung makilala niyo muna ako? Ako si Jomer, ang binatang parang bata.  Mahal na mahal ko talaga ang pagsusulat so ginawa ko 'to.  Layunin ko po na mai-share 'yung gusto kong i-share.  Wala akong hinintay na kapalit basta alam ko sa sarili ko, I love what I'm doing!


Salamat Idol Marcelo !

Matagal ko nang gustong mag-share pero nagdadalawang isip ako (natatakot din :) ).  Laking pasalamat ko na nakilala ko si Kuya Marcelo Santos III, ang author ng Para sa mga Hopeless Romantic.  Bigla akong naging tagahanga niya as in agad-agad! Idolo lo siya hindi dahil sa itsura niya, hindi dahil; sa porma niya, hindi dahil sa sikat siya.  Ito ang alam kong dahilan: I love his WRITING STYLES.  Kahit nababaduyan ako sa topic na "love" (hindi ko pa kasi nararanasan), nakuha niya 'yung hinahanap ko sa siang writer.  Kaya, idol Marcelo maraming salamat!  You inspired me a lot (sobra talaga :D).  I promise, from now on, I'll never stop writing!


Umpisahan, Dito na, Ngayon na!

Alam kong ngayon na ang tamang panahon para palawakin ko ang journey ko as a writer (in fact, I've been a campus writer since HS until now in college).  Wala ng pipigil sa akin!  Kaya payo ko po sa mga may pangarap, kahit mahirap, sige sugod!  Even though I'm in a kumunoy of poverty (mahirap lang talaga kami),  lumalaban ako para sa pangarap ko.  Hindi ako manghihinayang sa ibabayad ko sa internet cafes sa oras ng pagtype ko nito at ng iba pang i-ta type ko in the future dahil lumalaya ako, gumagaan ang feeling ko.  Bakit 'di mo subukan ng mapatunayan?!  Let's start.  Ito na po ang SULAT KAMAY SA LOOB NG BAHAY, original blog of your majesty, Gareth Jao in code name, Jomer Jay in real life.  It's my pleasure to serve you.  Thank you!

Mayroong isang error sa gadget na ito.